Wednesday, March 12, 2014

Where is the good in Goodbye?




"it's not you, it's me", this won't work", "it's better this way". 

Nakakapikon na mga linya diba? very old school, sounds so insensitive in my own opinion, kung ako yung partner mo, hindi pa tapos linya mo malamang nasampal na kagad kita (bitter?). 

         On a serious note, goodbye is an event that's never easy to handle,if this is the end of the road bakit pa nga ba natin pipilitin, oo masakit, oo malungkot, oo nakakabaliw, kasi kahit anong preparation pa ang gawin mo, masasaktan at malulungkot at nanakakabaliw talaga ang iwan ng jowa, sabi nga ni pareng Chris Brown "there's never a right time to say goodbye", pero ako naniniwala na there's a right way, think of it as a chance how you going to end up your love story that was once made your life colorful and full of meaning. Huwag din natin kalilimutan na we are not "SOMEHOW" but "STILL" responsible sa mararamdaman ng partner natin, remember that, this will be your last memory na iiwan mo sa kanya so better make it remarkable. Endings are inevitable kaya kung dati lagi kong sinasabi "I hate goodbyes" now " hello goodbye!".


         So paano nga ba? how will you put an end into something that once you never ever ever ever wanted to happen, as we all know that there's no words of consolation that will make it less hurt.



BREAK UP WITHOUT PISSING YOUR PARTNER OFF

           Stay cool,yung kung paano mo sya niligawan noon, i-maintain mo yung kakulitan mo until you give your opening statement. Importante na sa place ng partner mo sasabihin ang tungkol dito, let us say kasi aalis ka na at iiwan mo sya sa tingin mo is the safest place on Earth. Huwag masyadong madrama ang simula pero you have to set your tone na you'll sound sincere and simply start like "this is hard for me, but we need to talk about our relationship". 

TAKE A STAND
            Expect mo na maari syang mag-hysterical, jusme ikaw kaya? Kaya posible ang batuhan pisikalan, syempre hindi mo sasabayan better yet counter it with statements na hindi na magbubukas pa ng ibang tanong or topic. Avoid pointless argument and encourage your partner to accept your decision. 

DAMAGE CONTROL
              Huwag masyadong madrama pero show some emotion, that you still care and there'll be more for both of you after this. Never forget to mention your good memories together, medyo iwasan mo mauna magjoke hanggang sa point na tanggap na nya ang lahat. Otherwise baka ano magawa nyang di maganda sayo boy!!!
       
                Naranasan ko ang mang-iwan na parang wala lang, kaya nung ako na ang iniwan nalaman ko, putcha boy ang sakit pala. Yung bigla na lang mawawala at walang salita mula sa kanya, dun ko naranasan na umiyak na literal maghapon. Since then I came to realized that endings like break ups can be lite if there's a right closure, with an open mind and heart that is still cares although it's about time to say goodbye.
           
                                                          ***


Sources: Laurie Puhn, a divorce attorney, couples mediator & auhtor of Fight Less Love More. Men's Health Magazine.