Tambay, basketball, DOTA, ramble, inuman gimmik, parepareho ng trip kaya magkakasundo, kaya kayo naging MAGKAKAIBIGAN. Sila din yung paglabas mo ng bahay mo sila kagad ang una mong gustong puntahan. Pag dumating na sa punto na pag sinabi nyo sa isa't isa "sasama ko pag samama kayo" o kaya "libre kita sumama ka lang", medyo pwede na kayo tawaging barkada. Yung tipong hindi kayo magiging masaya pag may kulang na isa, yung uupakan nyo pag may inagrabyadong isa sa inyo. Nandyan din yung isip na ang tropa namin ang pinaka COOL lalo na pag may kanya-kanyang lamesa ang bawat grupo... sabay APIRRRRR!!!
Isa...dalawa...tatlo, hanggang nagdaan ang ilang mga taon, isa isang may nawawala, hindi dahil namatay o nag-ibang bansa, kundi piniling mag iba na ng landas. Yung akala nating mga tawanan, kulitan at apiran eh walang katapusan eh ayun na nga...wala na. Pero hindi naman ibig sabihin nito eh hindi na kayo magkakaibigan, talaga lang darating sa punto na iba na ang mga hilig at priyoridad ninyo sa buhay. Malalaman mo yan kasi may mga senyales din naman, kung yung dating sinasabihan mo ng... "libre kita sumama ka lang", ngayong sya naman ang babanat sayo ng "ikaw nagbago ka na, di ka na namamansin", tapos ikaw ngiti lang isasagot mo, tapos magsasalita ka ng may mahinang boses, kasi nga naiilang ka na oh kasi nga awkward na, bu-bwelo lang sabay "sige una na ko." Isa lang yan sa mga senyales na di na kayo tulad ng dati, parang magsyota lang diba? Isa pang senyales eh pag madali ka ng mapikon sa mga biro nila, yung dati paginaasar ka ikaw pa yung pinaka malakas tumawa, ngayon pakiramdam mo iniinsulto ka oh kaya nagwo-walk out ka na lng, jan na din natin maririnig yung mga salitang "kaw naman parang di k na nasanay sa mga biro nya, dati pa naman ganon na yun." at ikaw din parang gusto mo rin itanong ang parehong bagay sa sarili mo. Pag may mga ganyan nang mga bagay, maiisip mo nang humiwalay, o kung baga sa mga sindekato ang pag KALAS.
Gaya nga ng mabanggit ko, hindi ito nangangahulugang hindi na kayo magkakaibigan, gusto mo lang hanapin at makilala ang sarili mo sa mga pagbabago sa buhay mo at landas na pinili mo, sa kabilang banda respeto naman sa kanila ang inaasahan mo at pagtanggap sa mga bagong prayoridad sa buhay. Pag ganito ba naman ang ending eh baka magkakaibigan pa din kayo hanggang sa huli....... APIR!!
No comments:
Post a Comment